Sa isang ambush interview nuong biyernes kay Senador Leila de Lima kasabay ng kanyang arraignment, sinabi nitong ang Pangulo ang dapat imbestigahan sa mga nangyayaring patayan o "extra-judicial killings" dahil siya umano ang pasimuno sa lahat ng mga ito.
Tinawag pa niya ang Pangulo bilang isang "mass murderer.'
Sinabi rin ng Senadora na malungkot isipin na nakalusot si Duterte sa kanyang mga gawang "killing spree" sa Davao City na ngayon ay pinapatupad na sa buong bansa.
Dagdag pa niya, ginagamit aniya ng Pangulo ang kanyang kapangyarihan laban sa mga taong ayaw sumunod at sumuporta sa kanyang "ekstrahudisyal na ugali ng pagpatay sa mga tao."
No comments:
Post a Comment