Matapos maglabas ng dismissal order ang Ombudsman ay tinanggal na sa serbisyo si Iloilo City Mayor Jed Mabilog.
Photo Source: Inquirer
Si Mabilog ay natanggal sa serbisyo dahil siya ay napatunayang guilty sa kanyang di maipaliwanag na yaman o “serious dishonesty relative to unlawful acquisition of wealth.”
Ang kasong ito ay may kaugnayan sa reklamong isinampa ni
Iloilo Provincial Administrator na si Manuel Mejorada laban kay Mabilog.
Sinampahan ni Mejorado si Mabilog noong 2015 ng kasong plunder, dishonesty, grave misconduct at perjury bilang Mayor. Ayon sa complaint affidavit ni Mejorada, tumaas umano ng P54 milyon ang angking kayamanan ni Mabilog matapos itong manungkulan bilang Mayor ng lungsod.
Samantala, ayon sa report ay hindi na maaaring manungkulan pa si Mabilog sa kahit na alinmang tanggapan ng gobyerno at hindi rin nito matatanggap ang kanyang retirement benefits.

No comments:
Post a Comment