Nagbigay si Senate President Aquilino "Koko" Pimentel III noong Biyernes ng kanyang mga personal na pagpipilian na isasama sa 2019 senatorial slate ng naghaharing Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
TRILLANES, ANG SARAP DAW BATUKAN SI PRES. DUTERTE KUNG WALA ITONG PSG!
Sa isang text message sa mga reporters, sinabi ni Pimentel na bukod sa kanyang sarili, kasama sa senatorial slate ang Majority Leader na si Rodolfo Fariñas, Representantives Alfredo Benitez (Negros Occidental), Geraldine Roman (Bataan), Karlo Nograles (Davao City) at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Francis Tolentino.
“This is a developing/evolving matter, hence, not final, not official. (These are) just my personal preferences,” ayon kay Pimentel, at idinagdag na hindi pa aniya personal na tinalakay ang kanyang mga napili sa partido.
Bukas rin aniya ang PDP-Laban na pumasok sa isang 'coalition agreements' sa ibang partido kung sakaling mabigong magkaroon ng kumpletong 12 na tao para sa senatorial slate.
No comments:
Post a Comment