Ipinagtanggol ni Cielito "Honeylet" Avanceña, ang common-law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang asawa mula sa mga akusasyon na siya ay isang mamamatay tao.
"Kung ang ama ng aking anak na babae ay isang mamamatay tao, ang kanyang mga kaaway sa pulitika ay matagal nang patay," ani Honeylet.
Ito ay patama sa pangunahing kritiko ng kaniyang asawa na si Senador Antonio Trillanes IV.
"You've seen it, Trillanes has been hitting us since a week before election. Eh bakit buhay pa siya? 'Di ba? Wala naman nangyayari eh," giit pa niya.
Sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa paglulunsad ng "Life After Tokhang" program ng Philippine National Police (PNP) nitong lunes para sa mga sumukong sangkot sa iligal na droga, sinabi nitong hindi inutos ni Duterte na pumatay.
"He will never instruct anybody, the Armed Forces, or the PNP for that matter, to kill for no reason at all. Hindi niya ho kaya gawin 'yun, abogado po siya," ani Honeylet.
Iginiit pa ni Honeylet na makikita sa Pangulo ang mabuting intensyon nitong pagbabago sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment