Matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act. No. 10929 o ang free internet acess program sa lahat ng pampublikong lugar sa Pilipinas ay makakaasa na ng libreng wifi ang sambayang Pilipino sa buong bansa.
Ayon sa saad ng Department of Information and Communication Technology prioridad nila na lagyan ng libreng wifi ang bawat National at Local Government Offices, Public Hospitals, Rural Health Units, Public Health Centers at Public Basic Education Institution, isinali na rin ang Public parks, plaza at library, Brgy. Reading Centers, Public Airports at Seaports pati na rin ang Public Transport Terminals.
Dagdag pa nila na maglalagay sila ng signages sa mga free wifi zone. Nilinaw din nila na 2 mbps ang minimum na internet speed batay sa batas. Pumapayag din ang DICT na makipagugnayan sa iba pang mga prebadong sektor para makipagtulungan sa pagpapatupad sa Free internet Acess Program.
No comments:
Post a Comment