Arestado noong ika-27 ng
Oktobre 2017 ang isang 27 anyos na pipi na nag-ngangalang Jonyl Wagan matapos
itong ireklamo ng kaniyang mga kapitbahay hingil sa pangmomolestiya umano nito sa dalawang batang
babae na nasa edad lima at apat na taong gulang.
Ayon sa mga ina, naglalaro
ang mga bata sa ikatlong palapag ng bahay sa Barangay San Antonio, Parañaque,
Huwebes ng tanghali, nang mangyari ang insidente.
Sa 3rd floor ng bahay ng isa
sa mga biktima daw natutulog at tumatambay ang suspek at umano’y nakalaro pa ito sa mga biktima.
| Twitter post ng isang concerned netizen |
Samantala, nagsumbong naman ang
kapatid ng isa sa mga biktima sa mga ina nito na pinapatong umano ng nakahubad
na suspek ang mga bata sa maselang bahagi ng katawan nito.
Sa galit ng isa sa mga ina,
pinaghahampas niya ng kahoy ang lalaki bago siya pumunta sa barangay para
magsumbong.
Ayon naman sa kapitan barangay
na si JR Sanchez, may ilang nagsabi sa kanilang residente na hindi ito ang
unang beses na may minolestiya ang suspek.
Sa kabilng dako, sabi naman
ng amain ng suspek, gumagamit umano ito ng droga dahil sa impluwensiya ng mga ‘'tulak’'
sa lugar.
Dagdag pa nito, minsan na daw
na nadawit ang suspek sa pagnanakaw. Pero ikinabigla ng kanyang amain na nagawa
niyang mangmolestiya.
Haharap naman ngayon ang suspek sa Kasong Rape at Child Abuse.

No comments:
Post a Comment