PRES. DUTERTE, TINANGGAP NA ANG RESIGNATION LETTER NI COMELEC CHAIRMAN ANDY BAUTISTA! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Friday, October 13, 2017

PRES. DUTERTE, TINANGGAP NA ANG RESIGNATION LETTER NI COMELEC CHAIRMAN ANDY BAUTISTA!





Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni Commission on Elections (Comelec) Andres Bautista.



BASAHIN: COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA, NAGBITIW NA SA PWESTO!!

Sa isang interbyu na inere noong Biyernes sa PTV 4, sinabi ng Pangulo na tinanggap na niya ang pagbibitiw ni Bautista, at naniniwala siyang mas magiging mabuti kung aalis na siya upang wala nang problema.

Noong ika-11 ng Oktubre, inihayag ni Bautista ang kanyang hangarin na umalis sa kanyang pwesto sa pagtatapos ng taon. Gayunpaman, mga oras pagkatapos nito, bumoto ang Lower House upang i-impeach siya.




Sinabi ni Duterte na mas magiging mabuti para kay Bautista na bumaba upang hindi na magkakaroon ng problema.

Dagdag pa ng Pangulo, walang sinuman ang nagsabi sa kanya na ipinagpatuloy ng Lower House ang impeachment laban kay Bautista.

Ang kaso ng impeachment laban kay Bautista ay naunang ipinahayag na "insufficient in form" ng House Justice Committee.


No comments:

Post a Comment