Ang bangka ng pasahero ay umalis sa bayan ng Panukulan at papunta sa bayan ng Infanta nang hampasin ito ng malalaking alon alas-tres ng hapon.
Ang nasabing video, na kinuha ni Tania Nolledo mula sa isa pang bangka, ay nagpapakita na ang barko ay unti-unting lumulubog habang ang mga pasahero ay isa-isang nagsilutangan.
Makikita rin sa video na ang mga pasahero sa ikalawang bangka ay nagmamadaling inihagis ang mga life vests at mga lubid sa dagat upang hilahin ang mga nakaligtas sa lumubog na lantsa.
Wala namang naiulat na namatay o napinsala sa insidente.
Samantala, hinihintay na nang PCG ngayong araw ang pagdating ng may-ari ng na-trap na bangka. Ayon sa kanila, ang may-ari ng bangka ang siyang may pananagutan sa nangyaring aksidente.

No comments:
Post a Comment