Opisyal nang sumali si dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative na si Gloria Macapagal-Arroyo noong Miyerkules, Oktubre 11, sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Majority Leader Rodolfo Fariñas, nanumpa si Arroyo sa harap ng House Speaker at pangkalahatang kalihim ng PDP-Laban na si Panteleon Alvarez.
Sa isang pahayag, sinabi ni Arroyo, “My joining the PDP-Laban is to consolidate support for the President. It is a matter of course as we have been talking about this for quite sometime.”
Bukod kay Arroyo, nanumpa rin bilang mga miyembro ng partidong pampulitika ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Bohol Representative Arturo Yap, Cagayan Economic Zone Authority administrator Raul Lambino, Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo, and Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman.
Ang Senate President ng PDP-Laban, na si Koko Pimentel, ay nagsabi na ang partido ay nakatakdang magtanggal at pumili
ng kanilang mga opisyal na kandidato para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2019.


No comments:
Post a Comment