Naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na hindi magagawang tapusin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anim na taong termino sa pagka-pangulo hanggang 2022 dahil siya ay maaaring i-prosecute ng International Criminal Court (ICC) o i-impeach ng Kongreso.
“Palagay ko, hindi niya (matatapos ang termino) dahil nakaumang ang ICC case. Mabigat ito dahil hindi nila ito madadaan sa propaganda o sa troll army… Matindi ang tama niyan.”
“Next year, impeachment ulit dahil naka-depende yan sa ihip ng hangin. Pagka-nagbago ang ihip ng hangin, yan mismong congressmen na sumisipsip ngayon, yan din ang sasaksak sa likod niya,” ani Trillanes.
Ito ang naging pahayag ni Trillanes sa isang press conference noong Lunes habang patuloy niyang binabatikos ang pamumuno ni Duterte at ang kakulangan ng pangitain ng kanyang administrasyon.
“Kung sa street lingo, eh sa kangkungan talaga tayo pupulutin at the rate we are going, kasi wala talaga kaming direksyon na nakikita”
“Wala namang vision na sinet, which is the first thing na ginagawa ng isang leader na, ‘Ito gagawin natin, at ito ang paraan para makarating tayo diyan.’ Wala siyang ganung. Mura-mura lang dito, nagpapatawa, tapos alis na,” giit ni Trillanes.
Sinabi rin ng Senador na bigong tuparin ng Administrasyong Duterte ang kanilang pangakong aalisin ang krimen, katiwalian at iligal na droga sa bansa. Bigo rin aniyang tugunan ang mga 'concerns' ng mga Pilipino tulad na lamang ng mabigat na trapiko sa Metro Manila, smuggling, kapayapaan at kaayusan.
No comments:
Post a Comment