DE LIMA, TINIRA ANG PNP matapos itong hindi pinahintulutang bisitahin ng mga FOREIGN DIGNITARIES! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Tuesday, November 21, 2017

DE LIMA, TINIRA ANG PNP matapos itong hindi pinahintulutang bisitahin ng mga FOREIGN DIGNITARIES!






Tinira ni detained Sen. Leila de Lima ang Philippine National Police (PNP) dahil sa hindi nito paghintulot na bisitahin ng mga foreign dignitaries sa kanyang selda sa Camp Crame. 

"These are not terrorists or in any way threats to national security or public order. These are dignitaries of considerable stature in their respective countries," wika ni De Lima sa isang pahayag.

"I demand respect for my rights, among them visitors’ access, as a detention prisoner who is constitutionally presumed innocent, as I am truly innocent, and as a sitting and working Senator of the Republic," dagdag nito.

Ayon pa kay De Lima, tatlong beses ng sinubukan ng mga pinuno ng international human rights organizations na bisitahin siya ngunit ito ay hindi pinahintulutan ng PNP.

Ang mga delegates ng Global Progressive Forum (GPF), kasama ang mga miyembro European Parliament, ang nakatakda sanang bumisita kay De Lima noong ika-11 ng Nobyembre.

Ang president naman ng Liberal International (LI) ay naka-schedule sanang bisitahin siya noong Hulyo. Samantalang ang ASEAN Parliament for Human Rights (APHR) naman ay nag-request na makita siya noong nakaraang Setyembre.

Wika pa ni De Lima, “Members of the 3 delegations were barred from visiting despite complying with the 10-day required notice rule.”




No comments:

Post a Comment