Sa harap mismo ng mga Pinoy sa Da Nang Vietnam, ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagawa na nitong makapatay ng tao noong siya ay labing-anim na taong gulang pa lamang.
Sa pagharap ng Pangulo sa mga Pilipinong namamalagi sa Vietnam, ipinagmalaki nito na kahit nasa murang edad pa lamang siya nuon ay nagawa na niyang manaksak ng tao.
Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi siya natatakot na makulong sa gitna ng mga banta ng mga human rights groups na kumukwestyon sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Noong teenager pa lamang siya, ipinaliwanag ng Pangulo na malimit siyang napapasali sa mga rambol.
Sa isang insidente aniya ng kaguluhan na kanyang kinasangkutan, ikinuwento ng Pangulo na dito niya nagawang makasaksak ng tao na kanyang napatay.
Pahayag pa ng Pangulo, dahil lamang sa masamang tingin ay nagawang saksakin ang nakaalitan.
“At the age of 16, may pinatay na ako, tao talaga, rambol, saksak. Noon 16 years old yun, nagkatinginan lang. E lalo na ako ngayong Presidente ako,” ani Duterte.
Ito aniya ang dahilan kung kaya’t handa siyang ipaglaban ang mga Pilipino ngayong siya na ang Presidente.
Umani naman ng hiyawan at palakpakan mula sa mga PInoy ang naging kuwento ng Pangulo.
Ang Pangulo ay nasa Vietnam para dumalo sa APEC summit.
Source
No comments:
Post a Comment