Inakusahan ni CPP
Founder Joma Sison si President Rodrigo Duterte na “mentally unfit” para pamunuan ang bansa
matapos pormal na ihinto nito ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of
the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa inilabas na
statement ni Sison, pinayuhan niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at
ang lahat ng miyembro ng gabinete ng Duterte administration na ikunsidera at
pag-aralan kung ang pangulo ba ay “mentally fit” para sa pwesto o kiakailangang
palitan sa ilalim ng isinasaad ng 1987 Constitution.
Wika ni Sison, may mga
sintomas kasi ng pagiging “mentally unfit” ang pangulo sa pagtugon sa mga
usapin sa bansa partikular sa naging pag-usad ng peace process sa pagitan ng
pamahalaan at NDFP.
“There are symptoms
that Duterte is mentally unfit to handle the complexities of the affairs of his
state and the peace process between the GRP and NDFP. GRP officials in his
Cabinet and the reactionary armed forces should consider whether he is mentally
fit for his office or needs to be replaced in accordance with their 1987
Constitution,”
Tinukoy ni Sison ang
mga pahayag ni Duterte na mistulang umaanin ito ng pagiging diktador, ang
kaniyang pagpapakita ng kagustuhang makapatay, at ang payo kamakailan sa NDFP
na makipagnegosasyon na lang sa magiging susunod na administrasyon.
Ayon kay Sison,
sinadyang isabotahe ni Duterte ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at
NDFP.
No comments:
Post a Comment