Nagsalita na si Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada sa mga alegasyong sumisipsip ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Estrada na walang halong paninipsip ang isinasagawang pagtataboy sa mga illegal vendors sa kahabaan ng Roxas Boulevard para sa idaraos na ASEAN summit ngayong buwan.
Nilinaw rin ni Estrada na kaligtasan ng mga nagtitinda ang prayoridad nila at hindi para makakuha ng pogi points sa Pangulo at sa mga nakatakdang bibisitang Pangulo ng ibang bansa.
Ani Estrada, napaka-malisyoso at nais lang umanong manggulo ng mga nag-aakusa sakanya.
Pinangunahan ang operasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) kasama ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at suportado ng Manila Police District (MPD) at iba pang dibisyon sa City Hall.
Dagdag pa ng alkalde, inaalis lang niya ang anumang "masakit sa mata" sa mga bibisitang head of states sa summit.
No comments:
Post a Comment