MENTAL HEALTH BILL, NAKALUSOT NA SA IKALAWANG PAGBASA NG KAMARA! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, November 6, 2017

MENTAL HEALTH BILL, NAKALUSOT NA SA IKALAWANG PAGBASA NG KAMARA!




Ipasa at gawing batas ang Philippine Mental Health Bill.

Yan ang apelang regalo ng Mental Health Alliance sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong nalalapit na Pasko.


Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, iginiit ng grupo na binubuo ng Mental Health Professionals, family support groups, mga kabataan at iba pang advocates ang kahalagahan na matutukan ang mental health sa ating bansa.

Ang House Bill 6452 o Comprehensive Mental Health Act ay nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara, habang ang bersyon sa Senado ay pasado na.


Pero umaasa ang Mental Health Alliance na sa pagbabalik sesyon o bago man lamang mag-Christmas break ang Lower House ay maipasa na sa third and final reading ang panukalang batas.

Ayon sa grupo, isang magandang Christmas gift sa mga pamilyang Pilipino ang Mental Health Bill, na malaking tulong anila para mabigyang kamalayan ang publiko ukol sa mental health at kung paano ito nakakaapekto sa bawat tao.


Batay sa datos ng Department of Health at World Health Organization, pitong Pilipino ay nagpapatiwakal o nagsu-suicide kada arawnat 1 sa limang Pilipino na nakararanas ng anumang uri ng mental health concern, gaya ng depression at schizophrenia.

Sinabi ng grupo na hindi dapat ito maliitin at agarang tugunan sa tulong na isang Mental Health Law.

Source

No comments:

Post a Comment