Mga nitsong hugis sapatos, gitara, helicopter at iba pa, patok sa Kalinga! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, November 2, 2017

Mga nitsong hugis sapatos, gitara, helicopter at iba pa, patok sa Kalinga!





Patok ngayon ang mga kakaibang puntod sa Kalinga gaya ng  hugis helicopter, gitara, ibon, van at iba pa.




Ayon sa kapitan ng barangay na si Victor Adduba, nagsimula umano ang pagdididsenyo ng mga puntod noon pang 2002.

"Nagsimulang disenyuhan ang puntod ng yumaong miyembro ng NPA na namatay sa engkwentro. Makikita mo sa disenyo ang simbolo ng NPA," pahayag ng Kapitan.

Ang bawat disenyong makikita sa sementeryo ay may kinalaman umano sa taong nakalibing dito.













"'Yung tiyuhin ko, hilig niyang uminom. Nag-inom siya ng isang gabi, tapos dinala sa hospital, tapos yun na, namatay na sa ospital," ani Ramirez Magilao, isa sa mga residenteng dumadalaw sa nitsong hugis alak.

Hiling naman ng isang magulang na gawing helicopter ang kanyang puntod dahil ito raw ang magdadala sa kanya sa kabilang buhay. 





Ang hugis sapatos na puntod naman ay libingan ng isang babaeng nangakong bibilhan ng sapatos ang isang pamangkin.



"Nung namatay 'yung lola namin, 'di niya natupad yung pangako niyang sapatos sa pamangkin niya. 'Yung mga anak niya tinuloy 'yung hiling niya, ang ginawa nila, sapatos," ani Dan Agyao na apo ng yumaong nakalibing sa nitsong hugis sapatos.

Samantala, na sa 30 na ang mga may disenyong puntod sa pampublikong sementeryo.














No comments:

Post a Comment