Isang opisyal ng Vatican ang humihimok ngayon sa Santo Papa na payagan ang mga lalaking may-asawa na mag-pari partikular sa rehiyon ng Pan-Amazon.
Ang rehiyon ay kinabibilangan ng mga bahagi ng Brazil, Bolivia, Colombia, Ecuador, Peru, Guyana, Venezuela, French Guiana at Suriname at may 2.8 milyong katao na binubuo ng 400 katutubong grupo.
Bagamat ang populasyon ng naturang rehiyon ay Katoliko, ang lugar ay sadyang liblib at nakararanas ng kakulangan sa kaparian.
Sa isang panayam sa isang Austiran news agency, nais ni Bishop Erwin Krautler, Secretary for the Commission on the Pan-Amazon Region na talakayin ang isyu sa isang pagpupulong sa Vatican sa 2019.
Samantala, ilan sa mga Obispo sa Brazil, kabilang ang matalik na kaibigan ni Pope Francis na si Cardinal Claudio Hummes ay matagal nang sinusuportahan ang suhestyon.
Nauna na ngang ipinahayag ng Santo Papa noong Marso ngayong taon na bukas siyang pag-aralan ang mungkahi.
Source
No comments:
Post a Comment