Nananatili ang respeto at suporta ni Retired Gen. Dionisio Santiago kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Dionisio Santiago nag-quit bilang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB)
Ito ay matapos ang kontrobersyal na pagbibitiw niya sa pwesto bilang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Ayon kay Santiago, wala siyang sama ng loob sa pangulo at patuloy ang kaniyang respeto at suporta dito lalo na sa kampanya kontra ilegal na droga.
Hindi aniya siya hihiwalay sa adbokasiya ng administrasyong Duterte sa war on drugs.
“The respect is still there. The support is still there. Kambal kami sa advocacy ni Pres. Duterte sa war on drugs, bakit ako hihiwalay?” ani Santiago.
Sa ngayon, tikom pa rin si Santiago sa partikular na dahilan kung bakit kinailangan niyang magbitiw sa pwesto.
Aniya, mas mabuti na ang rason sa kung bakit siya pinagbitiw bilang DDB chairman ay magmula mismo sa Malakanyang dahil sila ang higit na nakakaalam.
Pero muling sinabi ni Santiago na maaring may mga bahagi ng Duterte admin na hindi siya gusto o hindi gusto ang kaniyang mga sinasabi.
Naniniwala si Santiago na mahal siya ni Pangulong Duterte, gayunman, sadyang may mga tao sa palibot ng pangulo na higit niyang “paborito”.
“Some people may not like my face or what I am saying. Mahal ako ni Presidente, pero siyempre pirimihang may favorite siya,” dagdag pa ni Santiago.
Source
No comments:
Post a Comment