Sa isang press briefing sa Senado, sinabi ni Pacquiao na ilan sa mga ito ay ang kanyang pagkabigo laban sa "destabilizers" pati na rin sa mga pulitikong may nakatagong agenda.
“Kung tatanungin mo ako ngayon sa pulitika, parang gusto kong madismaya, ma-discourage. Gusto kong umayaw na, ano ba… ganito pala yung pulitika? Kasi hindi ako marunong mamulitika e. Kung ano yug tama, kung ano ang alam kong tama para sa bayan, yun ang isusulong ko, yun ang gusto ko,” pahayag ni Pacquiao.
“Marami akong nadiskubre dito pagdating sa pulitika na hindi mo malaman kung totoo o hindi, maraming nagtatago sa ibang anyo…” dagdag pa niya.
Nang tanungin kung siya ay nagdadalawang-isip ngayon na tumakbo para sa isang bagong post sa sandaling matapos ang kanyang termino sa 2022, sinabi ng Senador:
“Alam mo sinabi ko nga sa asawa ko, sabi ko babe gusto kong mag-resign pero pag umayaw naman ako dito sa pulitika, sino na lang ang taong may puso talaga? Sino na lang ang taong totoong mag serbisyo sa ating gobyerno?”
Bagaman hindi nagbanggit ng mga pangalan si Pacquiao, ipinaliwanag niya na nadismaya siya sa mga pulitikong nagpapanggap lamang na tulungan ang mga mahihirap upang maisakatuparan ang kanilang sariling nakatagong agenda at sa mga "destabilizers" ng pamahalaan.
“Ayaw ko ng pangalanan, mag-init lang yung ulo ko. Buti na lang hindi ako si Duterte,”ani Pacquiao na tinutukoy si Pangulong Duterte.
“Ayaw kong magsalita ng bad words pero nagagalit ako sa ganyan,” giit pa niya.
Source
No comments:
Post a Comment