Sinampahan ni Senator
Antonio Trillanes IV ng kasong libel ang sa pro-Duterte blogger na si Rey
Joseph “RJ” Nieto sa Pasay City Regional Trial Court.
Humihirit rin ito ng P2
milyon na moral at exemplary damages at P250,000 na attorney’s fees sa
isinampang kaso.
Ayon pa sa kanya, guilty
si Nieto sa cybercrime offense na libel sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.
Kaugnayan ito sa
pag-post ni Nieto sa social media ng artikulo tungkol sa pagtawag umano ni
United States President Donald Trump kay Trillanes bilang “drug lord.”
Noong ika-31 ng Oktobre,
ang artikulong ito ay inilagay sa Facebook page ni Nieto na “The Thinking
Pinoy” na mayroong titulo na “Trump calls Trillanes a Drug Lord.”
Naglagay pa ng tanong
si Nieto sa kaniyang artikulo na “Does Trump’s government know something?”
As of November 21,
2017, sinabi ni Trillanes na ang artikulo ay mayroon nang 62,000 reactions at
share na aabot sa 15,759.
Tinawag niya ring ‘fake
news’ ang artikulo ni Nieto dahil ni hindi man lang nito nabanggit kung saang
news outfit binanggit ni Trump ang pahayag.
Ayon kay Trillanes, “Being
a very vocal and staunch critic of President Rodrigo Roa Duterte, of whom
Respondent Nieto is a self-confessed diehard supporter and defender, Respondent
Nieto’s post was clearly made solely for the purpose of besmirching my
reputation and maligning my name,”
No comments:
Post a Comment