Ayon kay Robredo, mahalaga ito upang mapawi ang pangamba ng mga tao na manumbalik ang gulo at ang diktaduryang pamamahala sa bansa.
Umaasa rin ang bise presidente na ang deklarasyong ito ng Pangulo ay magwawakas na sa mga nakababahalang pahayag niya sa media nitong mga nagdaang buwan.
Matatandaan na noong Martes ay winakasan na ng Pangulo ang mga ispekulasyon na magdedeklara siya ng revolutionary government.
Iginiit kasi ng Pangulo na wala namang mapapala ang bayan sa ganoong klase ng pamahalaan.
Nauna na ring tiniyak ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines kay Robredo na hindi nila susuportahan ang revolutionary government sakali mang humantong ang pangulo sa pagdedeklara nito.
Source
No comments:
Post a Comment