CERTIFIED DDS OFW SA MIDDLE EAST, PINARANGALAN DAHIL SA PAGLIGTAS SA ISANG SAUDI NATIONAL! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, November 23, 2017

CERTIFIED DDS OFW SA MIDDLE EAST, PINARANGALAN DAHIL SA PAGLIGTAS SA ISANG SAUDI NATIONAL!

Nakakuha ng parangal ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Middle East matapos sagipin ang na-trap na isang matandang Saudi national sa gitna rumaragasang baha sa isang kalsada sa Abraq al-Rughama, silangan ng Jeddah, Saudi Arabia.



Sa original video na in-upload ni Sarah Bande Itliong, ang mga fire fighters ay tumangging iligtas ang matandang lalaki na humihingi ng tulong dahil ang kanyang sasakyan ay patuloy na napupuno ng rumaragasang tubig-baha.

Ayon sa ilang nakakakilala sa Saudi national na lalaki, may kapansanan umano ito at nahihirapang maglakad dahilan upang hindi niya mailigtas ang sarili sa baha.

Sa kabutihang palad, nakita ni Balendon ang lalaking humihingi ng tulong at kahit na ito'y mapanganib, nagboluntaryo parin at hindi ito nagdalawang-isip na tulungan ang Saudi national na trap mula sa baha. Dali-dali itong lumangoy papunta sa lalaki upang iabot ang kanyang life vest.

Matapos nitong maabot ang lalaki, inalis na niya ito sa kotse at dinala sa isang ligtas na lugar upang mabigyan ng paunang-lunas.

Sa isang interview sa Saudi Arabia News Outlet na si Okaz, sinabi ni Balendon na hindi siya natatakot sa kamatayan dahil gusto lamang niyang iligtas ang lalaki mula sa mapanganib na sitwasyon.

“Hindi ko kayang makita na hayaang malunod lang yung Saudi,” sabi ni Balendon sa Arabic.

Nagulat din siya na ang kanyang mabuting gawa ay naging viral sa internet.

Masaya rin niyang ibinahagi na isa siya sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuri ng mga netizens si Balendon sa kanyang katapangan at humiling sa pamahalaan ng Pilipinas na parangalan siya sa kanyang mabuting gawa.

Samantala, binigyan rin siya ng parangal ng mga opisyal ng Jeddah sa kanyang kabayanihan.

Panuorin ang video para sa kabuuan ng balita.



No comments:

Post a Comment