Inulan ng batikos ang CBCP dahil sa kanilang pahayag na kung saan ay kanilang ipinaubaya na lamang sa publiko ang pagtanggap o pagtuligsa sa pagbili ng DOH ng contraceptives.
Matatandaan na inalis na ng Korte Suprema ang TRO sa RH Law kasunod ng deklarasyon ng Food and Drug Administration na hindi ito abortifacient.
Mahigit P4.3 bilyon ang inilaang pondo ng DOH para sa family planning commodities.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano ng CBCP, taumbayan na lamang umano ang tanungin kung papayag ba sila na ang bilyun-bilyong halaga ay mapupunta lamang sa pagbili ng pills at condom.
“Ang taumbayan na lang ang tanungin natin, papayag ba kayo na itong bilyun-bilyong ito ay ibibili mo lang ng pills at condom? Yan ba ay maaaring makabusog sa inyo? ayon sa CBCP Sec.
Dagdag pa nito hindi raw nakakain ang mga pills at condom at hindi raw sila magagamot ng mga ito kung sila ay magkasakit.
“Samantalang kailangan ninyo ng pagkain. ‘Pag nagkasakit ba kayo, ‘yung pills ba at condom ay mamapagaling kayo?”
Source
Wednesday, November 22, 2017
New
CBCP, inULAN ng BATIKOS sa kanilang pahayag tungkol sa pagbili ng CONTRACEPTIVES: Yan ba ay maaaring makabusog sa inyo?
About Unknown
SoraTemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design. The main mission of SoraTemplates is to provide the best quality blogger templates.
Roman Catholic
Labels:
CBCP,
Fr. Jerome Secillano,
RH Law,
Roman Catholic
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment