Sen. Trillanes, hinihintay ang PAGHINGI NG TAWAD sakanya ni RJ Nieto, a.k.a. "Thinking Pinoy" - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, November 5, 2017

Sen. Trillanes, hinihintay ang PAGHINGI NG TAWAD sakanya ni RJ Nieto, a.k.a. "Thinking Pinoy"




Tinanggap na ni Senador Antonio Trillanes IV ang paghingi ng paumanhin ni Mr. Al Pedroche, isang kolumnista at editor ng tabloid sa Pilipino Star Ngayon/philstar.com dahil sa paggamit ng fake news na may kaugnayan sa umano’y pagtawag sa kanya ni US President Donald Trump bilang little narco.




Nag-apologize na si Mr. Al Pedroche ng Pilipino Star Ngayon/philstar.com sa pagsusulat niya sa kolum niya ng fake news tungkol ‘di umano sa sinabi ni President Trump laban sa akin,” pahayag ni Trillanes.

Tinanggap ng Senador ang apology ni Pedroche at pinasalamatan ito sa pagtaguyod sa Code of Ethics ng mga mamamahayag.




Kasabay nito, sinabi rin ni Trillanes na hinihintay niya ang paghingi ng paumanhin ng blogger na si RJ Nieto o mas kilala bilang si Thinking Pinoy at ng isa pang kolumnista ng Philippine Star dahil sa paggamit ng kaparehong fake news.

“Ngayon, inaantay ko sina RJ Nieto a.k.a. (not) Thinking Pinoy at Mr. Mary Ann Reyes ng Philippine Star kung kailan sila mag-a-apologize sa paggamit ng parehas na fake news na ito,” dagdag pa ni Trillanes.



Binanatan ni Trillanes si Nieto sa pagse-share ng tinawag nitong fake news sa kanyang Facebook Page.

“That’s fake news. They can’t even cite the news outfit that conducted the interview. It goes to show that this RJ Nieto a.k.a Thinking Pinoy is not thinking after all,” giit ng senador.

Lumabas sa newspaper column na may titulong ‘A major embarrassment’ na sinabi umano ni Trump ang mga katagang “the little narco (who) met with Senator Marcos” nang tanungin hinggil sa reaksyon nito sa pagtungo ni Trillanes sa Estados Unidos.

Source

No comments:

Post a Comment