Trillanes KINUTYA si DUTERTE: “Pagsuot mo ng barong hindi mo nga maiayos, buong bansa pa kaya” - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Wednesday, November 22, 2017

Trillanes KINUTYA si DUTERTE: “Pagsuot mo ng barong hindi mo nga maiayos, buong bansa pa kaya”


Muli na namang kinutya ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano nitong magtatag ng isang revolutionary government upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang sinomang nais maglunsad ng rebelyon upang patalsikin siya.

Ayon kay Trillanes na pinakamatinding kritiko ni Duterte, wala pa umanong nagagawa ang Pangulo mula nang siya ay maupo sa Malacañang.

“Sabi ni Duterte, kailangan daw nya ng revgov para ayusin ang Pilipinas. Ang sakin naman, 17 months ka na sa pwesto wala ka naman naayos,” ani Trillanes.
Kinutya rin niya ang paraan ng pagsusuot ng Pangulo ng barong tagalog tuwing may mga okasyon at mariing sinabi na "kung hindi nga maayos ni Duterte ang pagsuot niya ng damit buong bansa pa kaya."
“Pati pagsuot mo ng barong hindi mo nga maiayos, buong bansa pa,” giit pa ng Senador.
“Bumenta na nung kampanya yung linya mo na, ‘aayusin ko ang bansa in 3 to 6 months,’ kaya hindi ka na makakaulit.” he added.
Sa kabila ng mga tawag ng ilang mga tagasuporta ng Duterte na magtatag ng isang rebolusyonaryong gubyerno, sinabi ng Pangulo na ang bansa ay hindi makikinabang kung mangyayari iyon.

Ang sabi nilang revolutionary government, coup d’état’wag ninyong intindihin ‘yan, malayo ‘yan”  ani Duterte.
“Me? I build a nation. If the Armed Forces cooperates with me, if this is something there is good in it, fine. We can work together,” dagdag pa niya.”

Sinabi rin ng Pangulo na hindi niya kailangan ng revolutionary government upang puksain ang mga New People’s Army (NPA).
“Hindi ako mag-martial law. Hindi ako mag-revolutionary government. I will just go and arrestthem,” pahayag ni Duterte.

No comments:

Post a Comment