Simula noong Disyembre a-uno, si Davao Archbishop Romulo Valles ay opisyal nang nanungkulan bilang bagong pangulo ng Conference Bishop of the Philippines (CBCP). Sa kanyang unang araw, ibinahagi ni Valles ang kanyang pananaw sa ilang social issues tulad ng EJK's o extra-judicial killings at RevGov o Revolutionary Government.
“First of all, I condemn all forms of violence, including extra-judicial killings. But I am not accusing the government for its existence. I trust the president (Duterte) because I have known him personally for decades. As I have said before, I did not have major issues against him when he was still the mayor of Davao City,” pahayag ni Valles sa mga reporters.
“But again, let me be clear. I am his friend and enemy as well. I will support his actions if they are for the betterment of the people, but will give him advice if I have doubts,” dagdag pa niya.
Matatandaan na noong Disyembre 2015 ay sinabi ng Pangulo na dati pang Mayor ng Davao City ay sinabihan siya ni Valles na huwag siyang mag-curse sa kanyang mga talumpati.
"I am happy that he came to us, it is good, he explained, and I understand his point. Who among us cannot commit a sin)?" ayon kay Valles noong panahong iyon.
Sa oras na iyon, nagkaroon siya ng mahabang pagpupulong kay Duterte sa Palasyo ng Arsobispo. Duon humingi ng paumanhin ang pangulo sa kanyang pagmumura kay Pope Francis at nangakong magbabayad ng P1,000 sa bawat masamang kanyang masasabi.
Samantala, tinanong din ang bagong Pangulo ng CBCP tungkol sa kanyang paninindigan sa RevGov kung saan marami sa mga tagasuporta ni Pangulong Duterte ang humihiling na ideklara ito. Bilang tugon, sinabi ni Valles na sinusuportahan niya ang RevGov ngunit binigyang diin na mayroon lamang siyang ilang paalala. Bilang isang lider, sinabi niya na dapat niyang unahin ang benepisyo ng mga tao, maging ang mga hindi-Katoliko.
“We made mistakes in the past, and we do not want to commit the same mistakes again. If there will be a strong call for revolution government, I will talk to all parties involved before I decide if I will support it or not. If politics is involved, I will not participate. But if the revolution is peaceful and for the safety of the public, then I will definitely support it,” ani Valles.
No comments:
Post a Comment