Tila hindi pabor ang Commission on Human Rights sa pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga New People's Army (NPA) bilang mga teroristang grupo. Sa katunayan, muling binigayang diin ng CHR na kahit ang mga terorista ay may karapatang pantao rin at sinabing walang kahit na sinu man lalo na ang mga sundalo at pulis ang may lisensyang pumatay sa mga ito ng walang angkop na proseso.
“There is also the International Humanitarian Law and the principle of commensurate force to observe, as human rights exist whether during peacetime or wartime,” ito ang naging pahayag ni Guevarra, Regional CHR Director sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon (Calabarzon).
Ito ang naging tugon ng CHR sa pagpirma ni Pangulong Duterte sa Proclamation No. 374 na nagdeklara sa mga Communist Party of the Philippine-New People's Army (CPP-NPA) bilang mga teroristang organisasyon. Ang deklarasyon na ito ng Pangulo ay naisapinal matapos ang mahigit na isang linggo matapos pormal niyang wakasan ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng mga grupo ng komunista.
"It's a proclamation declaring the Communist Party of the Philippines-New People's Army a designated, identified terrorist organization under Republic Act (RA) No. 10168," ayon kay Roque noong press conference sa Malacanang bagama't ang naturang deklarasyon ay nangangailangan pa ng court order.
Samantala, idinidagdag pa ni Guevarra na nagpapatuloy ang CHR sa kanilang sariling pagsisiyasat sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at mga pwersa ng gobyerno noong Nobyembre 28 sa Nasugbu, Batangas kung saan napatay ang 15 kasapi ng NPA. Lima sa kanila ang kababaihan kabilang si Josephine Santiago Lapira na kinilalang estudyante ng UP Manila.
hindi na kailangan lisensya..
ReplyDelete