Hindi na demokrasya kundi diktadurya na ang nakikita ni Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN Secretary General Renato Reyes na itinataguyod ngayon ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Reyes, inaatake ng kasalukuyang administrasyon ang freedom of speech dahil marami na umano itong gustong patahimikin.
“This is an attack against freedom of speech, right to organize, this is an attack on dissent, marami ho ang gustong patahimikin,” ani Reyes.
“Kung talagang gusto nilang magtaguyod ng demokrasya, dapat inirerespeto ang karapatang mag-organisa, karapatang magpahayag, at hindi dapat kini-criminalized, hindi dapat ginagawang krimen ang pag-iisip o kumbaga yung political thought. Hindi yun pwedeng i-criminalized. All these things, pagtinignan mo nga, it’s going in the direction of a dictatorship, na parang ayaw na nilang makita na may mga bumabatikos o tumutuligsa,” dagdag pa ni Reyes.
Source


No comments:
Post a Comment