Ayon kay Gatchalian, kung magkakaroon ng ibang telecommunication player sa bansa ay marapat lamang na maisabatas na ang “Lifetime Cellphone Number Act” na makakapagbenepisyo sa parehong costumer at provider.
Aniya, mas madali para sa telecom player na makakuha ng costumer kung madadala nito ang kaniyang dating cp number at pwedeng gamitin sa ilalim ng ibang network provider.
“So far wala akong balakid na nakikita at na-eexperience. Simple concept yan, kung anong number mo lifetime na sayo yan. With this law kung may 3rd player or 4th player (na telcos) mas madali sa kanyang umakit ng customer, maganda ito sa consumers dahil hindi na tayo mahihirapang lumipat ng network,” paliwanag ng Senador.
Dagdag pa nito, kailangan lang na magkaroon ng mobile portability at walang ipapataw na dagdag bayad sa pagkakaroon ng lifetime cellphone number. Ang karagdagang bayad aniya ang nagiging hadlang sa kompetisyon sa mga telcos.
Layunin din aniya ng nasabing panukala na magkaroon ng “healthy competition” kung sakaling dadami pa ang mga telecom companies na papasok sa bansa.
“Importante na madali, at libre ang paglilipat para mas madali sa 3rd player at 4th player na pumasok, ang importante rin dito ay pagalingan sila at pababaan ng presyo,” dagdag pa nito.


No comments:
Post a Comment