MATAPOS mabakunahan ng DENGVAXIA, ilang estudyante sa TARLAC NAGKA-DENGUE! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Friday, December 8, 2017

MATAPOS mabakunahan ng DENGVAXIA, ilang estudyante sa TARLAC NAGKA-DENGUE!






Ang mga nanay ng ilan sa mga Grade 6 ay Napasugod sa San Francisco Elementary School matapos mabalitaan na ang mag-aaral na si Aimy Tamayo ay dinapuan ng dengue.

Ang ina ni Aimy na si Lejani ang mismong nagpatawag sa mga magulang bilang presidente ng Parents Teachers Association ng eskuwelahan.

Daing ng mga ito, pare-pareho ang kanilang pangamba sa mga kumplikasyon na maaring maidudulot ng Dengvaxia sa kanilang mga anak.

Nagbahagi rin ang ilan sa kanila na mula nang maiturok sa kanilang mga anak ang pangatlong dose ng Dengvaxia ay kung anu-ano ng sakit ang dumapo sa kanilang mga anak.

Kasalukuyan, hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa dugo ni Aimy na isinasagawa sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).


Aminado naman ang principal ng paaralan na si Sonny Casino na maraming mga magulang ang nangangamba sa epekto ng Dengvaxia sa kanilang mga anak.

No comments:

Post a Comment