Sinabi ni Pangulong
Rodrigo Duterte noong Biyernes na sisisantihin niya ang mga opisyal at
empleyado ng isang buong komisyon na kasangkot sa isang maanomalyang aktibidad.
“On Monday, I will fire about one commission
mismo, lahat sila. Wala akong pakialam kung nakisali lahat o dalawa, tatlo, you
have to go out. I don’t think it will exist without your knowledge,” ani ni
Duterte sa isang speech sa pagdiriwang ng ika-84 anibersaryo ng Department of
Labor and Employment (DOLE) sa Bulacan.
“Even a whiff, bulung-bulungan lang, I will
call you and say you are fired,” wika nito.
Matatandaang nanalo si
Duterte sa pagkapangulo dahil sa plataporma nitong wasakin ang korupsyon sa
gubyerno at pagtatapos ng problema ng bansa laban sa mga Illegal Drugs.

No comments:
Post a Comment