Tiniyak ng DOH na walang babayaran sa ospital ang sinumang pasyente na magkakasakit kaugnay sa partikular na kung tawagin ay “severe dengue” na nabakunahan ng Dengvaxia.
Ipinaliwanag ni Health
Sec. Francisco Duque na aakuin ng Philippine Health Insurance Corporation
(Philhealth) ang P16,000 na magiging bill ng pasyente samantalang ipababayad
naman sa manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur ang iba pang gastusin nito.
Nilinaw rin ni Duque na
sakop ng Philhealth ang sinasabing higit sa P800,000 na mga nabakunahan gamit
ang Dengvaxia.
Samantala, ang P3.5
Billion na nagastos ng DOH sa pagbili ng kontrobersiyal na bakuna ay tiniyak naman
ng kalihim na hahabulin ng pamahalaan.
Kasalukuyan, kinakalap
na ng DOH ang lahat ng mga pangalan na nabigyan ng Dengvaxia vaccine kasabay ang
kasunod ng kanilang kautusan na itigil ang pamamahagi at pagbebenta nito sa
publiko.
Sa darating na Lunes
naman, nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon hingil sa isyu ang Blue Ribbon
Committee ng Senado kung saan ay inaasahan ang face-off sa pagitan ng mga dati
at kasalukuhang opisyal ng DOH at ng Sanofi Pasteur.




No comments:
Post a Comment