MATAPOS MATURUKAN ng DENGVAXIA, 30 na tao NAOSPITAL! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, December 7, 2017

MATAPOS MATURUKAN ng DENGVAXIA, 30 na tao NAOSPITAL!





May naitala ang DOH na halos 1,000 kaso na may adverse effects o pagkakasakit kasunod ng bakuna kung saan 30 ang kinailangang maospital.

Apat naman ang naitalang kaso ng pagkamatay kasunod ng pagbakuna bagamat may debate pa kung may kinalaman ito sa immunization program.

“DOH reported that there were 997 reported cases between March 18 to August 20, 2016, thirty (30) of which were considered as serious cases that needed hospitalization.”

Sa katunayan, ilang beses ring humarap sa pagdinig noong nakaraang taon ang mga kinatawan ng gobyerno, Sanofi Pasteur na manufacturer ng Dengvaxia, at mga public health expert dahil sa mga kuwestiyon sa kaligtasan ng Dengvaxia.

Sa mga nauna nitong pagdinig noong nakaraang taon, lumabas na sa draft committee report ng House Health Committee na may mga duda sa pangmatagalang epekto ng bakuna kontra dengue na Dengvaxia.

 “The conflicting theories of experts on the efficacy of the dengue vaccine and the lingering uncertainty about its long term safety had caused some degree of apprehension among various sectors,” ayon sa draft committee report.

Kasama sa mga rekomendasyon sa draft committee report ang pagpapatigil ng programang bakuna hangga’t hindi natutugunan ang mga isyung lumabas sa pagdinig.



No comments:

Post a Comment