Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinusuportahan niya ang same sex marriage sa bansa at idinagdag pa na maaring gagawa ng batas para mas lalong maging legal ito.
Sa ipinagdiriwang na 7th LGBT Davao Year end na ginanap sa Azuela Cove kahapon ay binigyan si Duterte ng isang masigabong palakpakan matapos niyang sabihin na supportado niya ang same sex marriage at maaring palitan ng gobyerno ang batas ukol dito.
“Ako gusto ko same sex marriage. Ang problema is we’ll have to change the law. But we can change the law,” saad ni Duterte.
“I don’t have any problems making it marrying a man, marrying a woman or whatever is the predilection of the human being,”dagdag pa ni Duterte.
Nitong Marso lang ay sinabi ni Duterte sa isang speech sa harap ng Filipino Community sa Nay Pyi Taw, Myanmar na ang same sex marriage daw ay hindi pwede sa Pilipinas dahil karamihan daw ay mga Katoliko at mayroon silang sinusunod na Civil Code na nagsasabing babae lang ang maaring pakasalan ng lalaki at ganun na rin sa lalaki na babae lamang ang kanyang maaring paksalan.
“Yun ang kultura nila. Eh di kayo lang, hindi ‘yan pwede sa amin. Katoliko kami…,” sabi pa niya nakaraan.
Pero bago pa man magsimula ang Presidential Election sinabi niya na pinapayagn na niyang maging legal ang same sex marriage.
No comments:
Post a Comment