Binalaan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang utos sa mga sundalo na patayin ang mga armadong miyembro ng New People's Army (NPA) at sinabing magdudulot ito ng gulo sa mga Pilipino. Ipinahayag niya ang kanyang babala sa Pangulo sa isang interview sa mga reporters sa pagdiriwang ng Bonifacio Day sa Caloocan City.
“Parang hindi naman ganoon iyong sinasabi ng Konstitusyon natin at mga batas na nandiyan. Ang sinasabi ng ating mga batas, na kapag mayroong nagkasala, mayroong proseso para alamin kung totoo ba iyong paratang, at mayroon namang nararapat na penalidad sa mga paratang,” ito ang pahayag ni Robredo na nagbabalang ang lahat ng gumagawa ng krimen ay dapat na sumailalim sa angkop na proseso at parusahan ayon sa sinasabi ng Saligang Batas.
“Kung pinapayag natin na ilagay sa ating mga kamay iyong batas, parang pinapawalang-bisa natin iyong ating demokrasya, pinapawalang-bisa natin iyong rule of law at iyon iyong simula para magkagulo-gulo tayo.”
Kapag sasabihin natin na puwede tayong magpatay kasi mayroon tayong binibintangan na gumawa ng krimen, anong mangyayari sa ating lahat, ‘di ba?”
Tinutukoy ni Robredo ang pahayag ni Duterte sa kanyang speech sa Ceremonial send-off of Vietnamese fisherman sa Sual Wharf at Causeway sa Pangasinan. Dito, sinabi niya sa sundalo na patayin ang mga rebeldeng NPA kung sinabi na armado sila, at siya, bilang kanilang Pangulong Pangulo ay sasagot para sa kanila.
“So what will be my order to them? Di shoot them. They will kill you anyway. If there is an armed NPA there or terrorist that’s holding firearms, shoot and tell…ako na lang magsagot. You just shut up. Do not answer that issue of human rights. You go to Duterte, it is, it was his order para tumahimik. Nako. You are destroying my country,” ayon kay Duterte.
No comments:
Post a Comment