Mariing tinututulan ni Vice President Leni Robredo na mangyari ang pinangangambahang “no-election” o “no-el” scenario sa 2019.
Ito kasi ang sitwasyong pinalulutang ng mga pinuno ng Kongreso upang mabigyang daan ang pagpapalit ng form of government tungo sa pederalismo.
Ayon sa pangalawang pangulo, lumalabas na magiging “self-serving” ang scenario na ito para sa mga mambabatas at lalabag sa karapatan ng mga tao na piliin ang kanilang pinuno.
Ito lang aniya ang tanging paraan para sa mga ordinaryong Pilipino na makibahagi sa proseso ng pagpili ng mamumuno sa kanila.
Ani pa Robredo, ang anumang hakbang na magpapahaba sa termino ng mga kasalukuyang opisyal ay maaring pagsuspetyahan ng mga mamamayan na isang pagnanais lamang na palawigin ang kapangyarihang kanilang pinanghahawakan.
Mawawala aniya ang demokrasya kung mauuwi sa ganoong sitwasyon ang halalan.
Para sa kabuuan ng balita, panuorin ang video.
No comments:
Post a Comment