House Speaker Alvarez, nagbantang ZERO BUDGET ang mga kongresistang hindi susuporta sa Cha-Cha! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, January 29, 2018

House Speaker Alvarez, nagbantang ZERO BUDGET ang mga kongresistang hindi susuporta sa Cha-Cha!

Nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang mga kapwa-kongresista na suportahan ang pagsusulong ng Charter Change patungong federalism o hindi sila makakatanggap ng pondo para sa kanilang mga constituents.



“Tulungan po natin ang ating Pangulo para baguhin ang Saligang Batas ng Pilipinas dahil ito po ay para sa kabutihan nating lahat at hindi lang po sa central government,” ani Alvarez.
Ayon kay Alvarez, hindi naman siya namimilit pero dapat igalang daw ng mga kongresista ang kanyang karapatan na huwag paglaanan ng budget ang mga kokontra sa Cha-Cha.



“Siyempre, yung ibang probinsya ayaw nilang makisama, o ‘di zero sa budget. Ako naman, hindi namimilit. Kung ayaw niyong sumama, okay. Ginagalang ko ‘yun, karapatan niyo ‘yun pero ang sabi ko nga, igalang niyo rin ang karapatan ko para ma-zero kayo sa budget, ‘di ba?” ani Alvarez.
Kwinestiyon rin ni Alvarez ang kasalukuyang 1987 Constitution ng bansa.
“Ano ba ang merong maganda na ginawa ‘yung ating present structure of government? Ano ba ang maganda ang ginawa ng ating Saligang Batas ngayon?” ani Alvarez.



Binatikos ni Alvarez ang umano’y pagkokontrol ng central government sa Maynila sa pondo para sa mga probinsya.
“Ang gusto ng mga leaders sa Manila, sila ang magsasabi kung uunlad tayo o hindi. Bakit? Under the structure of government, lahat po ng income natin sa probinsya, kailangang ibigay natin sa Metro Manila – doon sa central government,” ani Alvarez.
“Kaya hanggang ngayon hindi tayo makaahon sa probinsya. Hanggang ngayon, ‘yung opportunities dito sa mga probinsya, limited masyado. Hanggang ngayon, ‘yung mga probinsyano na gustong umasenso o magbago ‘yung buhay ay pumupunta sa Manila at doon nakikipagsapalaran,” dagdag pa ni Alvarez.

Source

No comments:

Post a Comment