Nanawagan ngayong Linggo si dating Senate President Aquilino "Nene" Pimentel Jr. sa mga nagsusulong ng Charter change o Cha-cha na huwag madaliin ang proseso nito.
Sa panayam ng DZMM sakanya, iginiit nitong bigyan ng pagkakataon ang taong-bayan na intindihin ang pagbabago sa saligang batas.
"Pakinggan ang taong bayan. Maganda ba ito o hindi at mamarapatin po nila ay aprubahan po nila sa plebisito. Kung ayaw naman nila, sila ang masusunod," sabi ni Pimentel.
Si Pimentel ay isa sa mga orihinal nagsulong ng pederalismo at isa sa mga nagtatag ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Duterte.
Hindi rin aniya dapat alisin ang karapatang magsalita nang malaya.
"Kung baguhin man natin ang saligang batas, gusto kong bigyan diin kaagad ha ang proposal ko tungkol lamang sa pagpasok sa pederalismo."
"Yung mga basic human rights, yung mga magagandang probisyon tungkol sa Ombudsman tungkol sa ahensya ng gobyerno huwag na pakialaman yun kung maari sana," ani Pimentel.
No comments:
Post a Comment