Tinawag ng isang estudyante mula sa University of the Philippines ang mga DDS o mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakapal ang mukha.
Si Marvin Mandrilla, research analyst at MA student ng UP ang nag lakas-loob na magpost ng kanyang saloobin tungkol sa war on drugs.
Dito niya pinaalalahanan ang mga tao na gumising ang mga ito sa katotohanan at wag magbulag-bulagan sa harap-harapang panloloko ng mga pulis.
See full post:
Unahan ko na — sa lahat ng magrereklamo sa mga lalaban para sa hustisya, para sa mga batang pinatay sa ilalim ng administrasyon na ito, gusto ko lang sabihin na ang kapal ng mukha niyo. No, seriously, ang kapal niyo.
Oo, kasama diyan ang mga kaibigan o kapamilya ko na mga Ka-DDS. Lalo na ‘yung walang ibang masabi kundi “paano ‘yung mga na-rape?” — kumita na ‘yan. Nagmumukha lang kayong ewan.
Sino bang naiisip niyo na natutulungan ng mga ganyang klaseng statements? ‘Yung na-rape ba? O ang mga abusadong pulis? Kung hindi pa malinaw sa inyo kung ano talaga ang ginagawa niyo, let me do the honor: kayo ang tunay na protektor ng mga kriminal.
Hindi nakapagtataka kung maraming magalit sa mga pulis at sa pattern ng pagpatay. Ang mas nakapagtataka bakit pinipili niyong magbulag-bulagan eh harap-harapan na tayong niloloko ng mga pulis.
Hindi porke’t naka-uniporme ay hindi na pwedeng maging salot sa lipunan. Sana lang ‘yung galit niyo sa mga rapist, eh kasing taas din ng galit niyo sa mga taong kayang pumatay ng bata, saksakin ito ng 30 beses, at itapon sa creek. At sana galit din sa mismong pasimuno. ‘Di niyo ba natatanong kung paano nangyari ito? Hindi niyo ba ma-connect ang mga bagay-bagay?
Sabi nga kung ahas lang ang “pattern” ng pagpatay sa administrasyon na ‘to, eh tinuklaw na kayo. Kahit anong iyak ni Persida Acosta o ni Bato, hindi nila mabubura ‘yan. Davao days pa lang ni mayor ganyan na ang sistema.
Marami nang buhay ang nawala. Ang paghingi ng hustisya para sa biktima ng war on drugs ay hindi nangangahulugan na wala na tayong pakialam sa biktima ng mga ordinaryong krimen. Ang pagtawag na itigil ang patayan ay hindi parehas sa pagsuporta sa drugs. Magkaibang bagay ‘yang mga ‘yan — pero isa ang nais natin: maayos na lipunan na may tunay na rule of law.
Mga tao at Pilipino tayo pare-pareho. Sana ‘wag mawala ang pagiging tao at Pilipino niyo dahil lang mahal niyo ang presidente. Napakababaw. It’s not worth it. Not now. Not ever. Uulitin ko, gumising na kayo.
#StopTheKillings #Justice4Victims
Umani ng iba't ibang komento ang naturang post ni Kevin at narito ang ilan:
No comments:
Post a Comment