Lacson: SENADO MAGSASAYANG ng ORAS sa DEATH PENALTY BILL! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, January 11, 2018

Lacson: SENADO MAGSASAYANG ng ORAS sa DEATH PENALTY BILL!




“Kahit anong debate ang gawin dyan, kahit iendorso sa plenaryo, hindi rin naman makakakuha ng boto sa Senado kaya waste of time,” wika ni Senador Panfilo Lacson.
Ayon kay Lacson, magsasayang lamang sila ng oras sa death penalty bill dahil maliwanag nang hindi ito lulusot ngayon sa Senado dahil nakararami sa mga senador ay tutol dito.



Bukod dito, sinabi ni Lacson na ang pagtalakay sa death penalty bill ay mistulang pag-amin ni Pimentel na “Mabagal na Kapulungan.”




Photo via philstar.com
Inatasan naman ni Lacson si Senador Manny Pacquiao na magpatawag ng pagdinig ukol sa death penalty bill matapos pintasan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang umano ay kabagalan ng senado dahil hindi raw inaaksyunan ang mga panukalang batas na pinagtibay na ng Kamara katulad ng death penalty bill.



Kasabay nito, pinayuhan niya rin si Sen. Pacquiao na pulsuhan muna ang mga kasamahan bago magsagawa ng pagdinig hinggil dito.




Photo via philstar.com
“Parang admission na mabagal nga kami. Hindi Kami mabagal. Hindi lang talaga isinulong ang death penalty bill dahil kapos sa boto. Kung ako, bakit ko isusulong kung matatalo. Kapag ganyan wait for the proper time,” dagdag ni Lacson.



Kaysa death penalty bill, iginiit na atupagin ng Senado ang ibang panukala na may mas malaking tsansa na makakuha ng kailangang boto at kailangan din ng bayan gaya ng panukalang National ID system at pagpapalakas sa Dangerous Drugs Law.






No comments:

Post a Comment