NANGANGANIB ang SEGURIDAD ng BANSA sa NALALAPIT na PAGPASOK ng TELECOMMUNICATION ayon kay DE LIMA! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, January 18, 2018

NANGANGANIB ang SEGURIDAD ng BANSA sa NALALAPIT na PAGPASOK ng TELECOMMUNICATION ayon kay DE LIMA!





Umalma si Senadora Leila de Lima sa nalalapit na umanong pagpasok sa lokal na telecommunications industry ng kumpanya buhat sa China.




Ayon sa nakakulong na senadora, maaari ritong manganib ang seguridad ng bansa dahil magiging bukas sa China ang mga komunikasyon dito sa Pilipinas.




style="background-color: white;" />
Mapanganib umano ito sa pambansang seguridad dahil maaari nilang mapasok ang buong intelligence at defense system ng bansa na diumano ay delikado lalo na’t may pinagsasalpukang isyu ang Pilipinas at China.





Tinutukoy nito ang pag-aagawan ng dalawang bansa sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ayon kay De Lima, maaaring pabor sa administrasyong Duterte ang pakikipagmabutihan sa China at ang pagpapasok dito sa telecom industry pero dapat aniyang isipin din ng administrasyong ito ang hinaharap na maaaring makompromiso sa mga desisyon ngayon.








“This might be good for the present administration, but not necessarily for the future of the nation,” ani De Lima.


“This is not to mention the security threat a Chinese telco poses to the country’s information and communication infrastructure. What will assure us that in the future, our national security and whole intelligence and defense systems won’t be compromised, if not under the complete control of a foreign government with national interests diametrically opposed to our own?” dagdag nito.







Nu’ng nakaraang linggo, iniulat na posibleng makipagsosyo ang China Telecom Corp. Ltd. sa Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T).

Batay sa Konstitusyon, hanggang 40 porsiyento lamang ng isang negosyo ang puwedeng maging pagmamay-ari ng mga dayuhan at 60 porsiyento ay dapat na sa mga Pilipino. 

source:abante




No comments:

Post a Comment