Nagbabala si dating Chief Justice Hilario Davide na makakasama sa bansa ang federalism na isinusulong ng administrasyong Duterte.
Sa pagdinig ng Senado ukol sa Charter Change, sinabi ni Davide na ang federalism ay pagpapatiwakal at pagtalon sa impiyerno.
“A shift to federalism is a lethal experiment, a fatal leap, a plunge to death and a leap to hell,” pahayag ni Davide.
Hindi naman niya ipinaliwanag kung bakit, dahil ang sentro ng pagdinig ay tungkol sa pangangailangan ng pag-amyenda sa Konstitusyon at kung idadaan ito sa Constitutional Convention (Con-Con) o sa Constituent Assembly (Con-Ass).
Agad namang umalma rito ang dumadalo rin sa pagdinig na si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., founder ng partidong PDP-Laban at nagsusulong ng federalism.
“Federalism is not a lethal proposal but rather a vital proposal,” din ni Pimentel na matagal nang nagsusulong ng federalism.
Sa kaniyang pag-aaral, mas maibababa sa mga lokal na pamahalaan ang kapangyarihan kung federal ang porma ng pamahalaan.
Samantala, sinabi ni Davide na kung aamyendahan ang Konstitusyon, kailangan itong idaan sa Con-Con kung saan iboboto ang uupo dahil delikado aniya ang Charter Change sa pag-abuso ng mga kongresista.
Gusto rin ni Pimentel ng Con-Con pero magastos kaya naman kung idadaan ito sa Con-Ass, kailangan aniyang maliwanag na matutuloy pa rin ang mga naka-iskedyul na eleksiyon.
Source:abante
No comments:
Post a Comment