Ibinahagi ng isang netizen na si Jasmine Cruz ang pagbabago ng kanyang buhay mula ng maluklok si Pangulong Duterte sa pwesto.
Basahin ang buong Facebook post ni Jasmine Cruz:
Bakit ako pumunta ng Luneta? I actually never thought that I’d be involved in activism because I was so politically apathetic before this. Kahit debater ako, mas may alam pa ako sa Israel-Palestine conflict kaysa sa Philippine politics. But the 2016 elections really affected me. Prior to it, I registered to vote, kasi I thought, medyo sobrang beyond 18 years old na ako so might as well do it. I never would have predicted that the elections after my registration would be so critical. I remember being in a bus when Duterte made his first speech as president. I didn’t want to listen pero pauwi na ako and wala akong magawa kasi malakas yung volume ng tv. When he got to the part where he said that he’s ok with human rights so long as it doesn’t ruin people’s lives or something like that, bigla akong nag-iiyak. I knew that a president who disdains human rights will be a president who will dare to abuse his power. The following days, I was filled with fear. Meron isang point, nag-iiyak ulit ako thinking, “ayokong mamatay.” Sinabi ko yun kasi natakot ako sa anti-human rights stance ni Duterte. I knew that would only lead to trouble, and that no one was safe anymore. Kasi hindi ako naive. I was aware that bad things happen to good people. More than that, natakot ako dahil I knew na magiging aktibista ako, at ayokong mamatay because of it. Rineresist ko yung desire na makialam. Naalala ko na years before, nanood ako ng Schindler’s List at naisip ko, kung ako kaya, kung mangyari sa akin ang nangyari kay Schindler, kung mangyari na tatanongin ako ng history, makakasagot ba ako? Si Schindler, hindi naman siya Jew, so sa totoo lang, hindi naman niya kailangan tumulong, pero noong tinanong siya ng history, sinagot niya. Noong time na yon, di ko naisip na talagang mangyayari yon, na tatanonging talaga ako ng history, at noong na-elect si Duterte, naramdaman ko talaga yoon. Tinatanong na ako. Pero anong sagot ko? At first my answer was increasing into a shameful no. Hindi ko kayang sumagot. Ayaw ko sumagot. Natatakot akong sumagot. Nagalit din ako. I thought, ang unfair, ang goal ko lang naman sa life ay yumaman at maging magaling na writer. Bakit ako minalas at nabuhay sa panahon na magulo? Sobrang buwisit! Pero now, hindi na yon ang iniisip ko. Hindi na personal success ang top of mind. Feeling ko kung makakatulong ako sa bansa, kahit sa maliit na paraan, I’ll feel like my life was worth it. Another thing that changed my perspective was when the feeling of “safety” in not becoming an activist became coupled with a feeling of helplessness, and it was torture. Hanggang gusto ko na may gawin pero hindi ko alam kung paano. So pumunta ako sa mga rally, pumunta ako ng pumunta lang. Di ko alam kung anong maachieve ko sa pagpunta, pero yun lang ang alam kong magagawa, so pumunta lang ako ng pumunta. Doon ko na-meet ang mga fellow activists at ngayon involved na ako sa dalawang grupo. Ngayon pumupunta na ako sa isang community na nag-titipon ng mga families of EJK victims and balak namin tumulong. Ngayon nag-eenjoy ako magbasa tungkol sa power ng nonviolent action. Favorite book ko ay Blueprint for Revolution by Srdja Popovic. Si Popovic ay leader ng Otpor!, isang nonviolent revolution that used humor to topple the Serbian dictator Slobodan Milosevic. Student lang si Popovic at mga friends niya noon pero nanalo sila. Napabagsak nila ang isang diktador, at nag-enjoy sila in the process kasi kengkoy yung mga ways of protesting nila. Noong nabasa ko yon, I thought, wow, ang creative ng mga paraan, ang saya. If this is activism, I wouldn’t mind devoting my entire life to it. Hindi lang pala puro galit ang puwedeng ma-experience ng mga activist. Puwede rin tumawa, and sobrang satisfying to laugh at a dictator. So tayo din, malaki ang kalaban, pero I don’t feel helpless anymore. Maliit ang mga susunod na hakbang, pero at least humahakbang, at least gumagalaw. At naniniwala ako na lahat naman ay nagsisimula sa maliit.
No comments:
Post a Comment