Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gantimpala para sa pagpatay ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA at umaasa na sa pamamagitan ng pagtaas nito hanggang P100,000 para sa bawat mapatay na NPA guerilla, ang mga rebelde mismo ang magpapatayan sa isa't isa upang makuha ang gantimpala.
Sa kanyang speech sa Maynila sa harap ng mga Chinese-Filipino businessmen, sinabi ng Pangulo na batay sa kanyang computation, mas mahal umano kung ang gobyerno ang kikilos para sa mga komunistang grupo. Kaya, mas mahusay na magkaroon ng isa pang gagawa para dito.
“Kwenta-kwenta ko kung hanggang end of my term mas magastos. Bayaran ko na times active — they cannot be more than 3,000. Sa 25, makamura ako. P***, totoo. At next week, mag-increase ‘yan. I will increase it to make it 30, then…I-increasan ko ng100,000, sila na ‘yong magpapatayan,” ani Duterte.


No comments:
Post a Comment