Kinondena ni Senator Risa Hontiveros ang paghikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na barilin sa ari ang mga babaeng rebelde kapag nakipagbakbakan.
Ayon kay Hontiveros, patunay lamang ito na sukdulan sa kabastusan ang Pangulo at walang respeto sa mga kababaihan.
Ito na umano ang pinakamatinding karahasan sa mga babae.
“Kung si Donald Trump ay may grab ‘em by the pussy’, si Pangulong Duterte ay may ‘shoot ‘em in the vagina,” ani Hontiveros.
“Sukdulan ang kabastusan at kawalan ng respeto sa kababaihan. This probably constitutes an extreme form of sexism that can lead to sexual harassment, rape and other forms of sexual violence,” dagdag pa niya.
“It is disgusting to the senses. It is grossly repugnant,” giit pa nito.
Ayon kay Hontiveros, lahat ng kababaihan, anuman ang political affiliation at katayuan sa buhay ay dapat makaramdam ng pagkainsulto at pambabastos sa sinabi ng Pangulo.
source: Abante
source: Abante


No comments:
Post a Comment