Isang malupit na pahayag ang binitawan kamakailan ni Magdalo
Representative Gary C. Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Marso 3, inilabas ni Alejano ang isang pahayag tungkol sa
panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "Co-ownership" ng West
Philippine Sea sa Tsina.
Bilang dating Opisyal ng Navy, binatikos ni Alejano si Pangulong Duterte sa pagbawi sa kanyang pahayag noong panahon ng halalan na sasakay
siya sa isang jetski upang ilagay ang bandila ng Pilipinas sa West Philippine
Sea kapag siya ay naging pinakamataas na opisyal ng gobyerno.
Siya ay nadismaya nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na
ang kanyang pahayag ay isa lamang joke habang maraming tao sa panahong iyon
ang umaasa na gagawin niya ang ganitong uri ng aksyon laban sa China.
Ayon kay Alejano, ang kasalukuyang pahayag ng Pangulo ay isang palatandaan na ang administrasyon ay walang tunay na intensyon na labanan ang mga karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi niya na bukod sa deklarasyon ng digma laban sa China,
ang administrasyon ay may ilang uri ng mga paraan upang labanan ang soberanya
ng Pilipinas.
“Nais kong ipaalala na noong kampanya nangako ang pangulo na
ipaglalaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea sa punto pang
magjejetski siya papunta doon upang itanim ang ating bandila. Ito ay seryoso
dahil inasahan ito ng taumbayan.” ani Alejano.
“Ngayon
na sinasabi niyang biro lamang ang mga sinabi niya noong kampanya, ang
lumalabas ay nilinlang at niloko niya lamang ang taumbayan. This is precisely
what defines Duterte’s governance now – A JOKE.”
“Defending our territorial integrity does not
mean tough-talking and resorting to war. There is an array of non-military,
non-confrontational, and non-provocative means.”
“It is clear in the UNCLOS, PCA ruling, and our
Constitution that we have exclusive rights in our EEZ and any of China’s claims
overlapping ours are invalid. Duterte’s proposal of joint exploration in the
premise of “co-ownership” is a violation of the Constitution. In spite of
knowing this, Duterte is confident that the Congress and the Supreme Court will
allow such betrayal of the Filipino people for these institutions have
essentially lost its independence under the Duterte administration.”
“Ang ginagawa at gagawin pa ng administrasyong
Duterte na pagpaubaya at tila pagbebenta ng ating mga teritoryo sa China ay
klarong taliwas sa ating pambansang interes at seguridad hindi lamang ngayon
kundi sa mahaba pang panahon.”Source
No comments:
Post a Comment