HONTIVEROS: Ang MASASAMANG SALITA ni DUTERTE LABAN sa mga KABABAIHAN ay HINDI maituturing na BIRO! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, March 8, 2018

HONTIVEROS: Ang MASASAMANG SALITA ni DUTERTE LABAN sa mga KABABAIHAN ay HINDI maituturing na BIRO!





Nagpahayag ng pagkaalarma si Senator Risa Hontiveros sa patuloy na paggamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga nakakasakit na salita laban sa mga kababaihan sa publiko na maaaring maka-ambag umano sa pangha-harass sa mga kababaihan.



Sa interview ng Senador sa ANC noong Huwebes, bilang International Women’s Day, sinabi ni Hontiveros na naitala niyang hindi bababa sa 23 pangyayari na nagsalita ang Pangulo ng mahahalay na salita laban sa mga kababaihan kabilang na ang kanyang sinabi sa mga sundalo na barilin ang mga rebeldeng babae sa kanilang ari-arian.

"Namo-monitor na namin. Pattern talaga e. It's persistent. It's repeated. In the last one and a half years, he has at least two dozen times, or 23 times, said things deliberately offensive to women," ani Hontiveros.



Ani Hontiveros, ang mga masasamang salita ay hindi maituturing na “biro” lalo na’t kung nagmumula ito sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno. Giit pa ng Senadora, dapat nang mahinto ang normalisasyon ng mga nakakasakit na salita ng Pangulo sa pakikipag-usap sa mga kababaihan.

"Sa mga pananalita niya, which are not just insensitive but also offensive to women, have, I believe, instigated unprecedented level of violence. Makikita natin ang rape statistics and sexual harassment statistics are on the rise in the last one and a half years," ayon kay Hontiveros.



Matatandaang ilang ulit na ring ipinagtanggol ng Palasyo ang pangulo laban sa mga bumabatikos sa kanya mula sa iba’t ibang grupo ng mga kababaihan. Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque, hindi dapat kunin ang mga salita ng Punong Ehekutibo ng literal kapag nagsasabi siya ng mga salitang maaaring makasakit sa mga kababaihan.

"Let us not take the words of the President literally, but of course we should take the President’s words seriously," ani Roque kasabay ng pagsabing hindi dapat husgahan ang pangulo base sa kanyang mga salita bagkus sa mga gawa nito.







No comments:

Post a Comment