 |
Via rappler.com
|
Binatikos ng Liberal Party (LP)
ang Malacañang sa panghihimasok sa kasong pandarambong ni Janet Lim-Napoles na
itinuturong utak ng pork barrel fund scam.
Sa inilabas na pahayag ng
LP, sinabi nitong tila binibigyan proteksyon pa ng gobyerno si Napoles habang
marahas ang pagtrato sa mga mahihirap na nasasangkot sa krimen.
 |
Via rmn.ph
|
“Bakit pag mahirap na suspek,
patay agad, pero pag mayamang may kapit, pro-proteksyunan pa ng estado? Tama ba
yan?” saad ng pahayag mula sa LP.
Iginiit rin ng partido sa
administrasyon na hayaan na lang na umusad sa korte ang kaso.
Sa katunayan, iginiit pa ng
partido na tila pambabastos ito sa sistema ng hustisya sa bansa.
Sa isang hiwalay na pahayag, kinuwestyon
din ni Sen. Grace Poe ang pagpasok ni Napoles sa Witness Protection Program (WPP)
ng pamahalaan.
 |
Via inquirer.net
|
Kinuwestiyon niya kung tinatamad
na naman ang mga state prosecutors na maghanap ng ebidensiya kaya’t umaasa sa
testimoniya ng mismong kriminal.
Una rito, sinabi ng abogado
ni Napoles na si Atty. Stephen David na mismong sina Executive
Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang
nagpayo sa kanila para sa gagawing hakbang sa sitwasyon ng kaniyang kliyente.
“Lumitaw na kung sino talaga ang nasa likod ni
pork barrel scam queen na si Janet Lim Naples sa kanyang paghingi ng proteksyon
mula sa Department of Justice. Ayon na mismo sa kanyang abugado na si Stephen
David, ang kanilang paghiling sa korte na mailipat si Napoles mula sa BJMP
patungong DOJ ay bunsod ng mungkahi ni Executive Secretary Salvador Medialdea
at Justice Secretary Vitaliano Aguirre,” wika ng LP.
Anong masasabi mo sa balitang ito? Magbahagi ng iyong komento.
No comments:
Post a Comment