Sinisi ng dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III si Presidente Rodrigo Duterte sa hindi pa natatapos na proyekto na pabahay ng pamahalaan para sa mga biktima ng super bagyong Yolanda sa Iloilo. Ito ay matapos ang isang video mula sa RMN Iloilo ay naging viral, na nagpapakita na ang 5-taong gulang na proyekto ay hindI pa natatapos. Nagkaroon din ng katibayan na nagpapatunay na ang mga materyales na ginamit ay substandard.
Ayon sa RMN Iloilo, ang proyekto na mga pabahay ng National Housing Authority (NHA) ay matatagpuan sa Bacjawan, Concepcion, Iloilo. Ito ay iniulat na nagsimula noong 2013 at ang kontratista ay ang Hercar Builders. Noong panahong iyon, si Noynoy Aquino ang naging pangulo, at si Mar Roxas ang kalihim ng DILG (Department of Interior and Local Government).
Mula pa noong 2017, ang mga benepisyaryo ay inulat na nagrereklamo tungkol sa leaky system sa bubong, kakulangan ng mga pintuan at bintana, hindi natapos na mga banyo; magalaw na mga dinding at mga sira na kalsada. Bukod pa rito, walang tubig sa lugar, at ang pump ng tubig ay malapit sa tangke ng septic, at sa gayon ang tubig ay hindi ligtas para sa pag-inom.
Samantala, sinabi ni Noynoy Aquino na hindi niya alam ang problema, at sinisi ang kasalukuyang administrasyon.
“Hindi ko po alam yan. Hindi nakarating sakin na may ganyang reklamo. Magkagayon man, bakit ako ang tinatanong ninyo? Bakit hindi ang kasalukuyang naka pwesto ang tanungin ninyo? Kulang 2 taon na sila naka upo, at alam na nila ang problema, wala pa ring aksyon.” Sinabi ni Aquino sa mga reporters na dumalaw sa kanyang bahay sa Times Street, Quezon City.
Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbigay si Mar Roxas ng kanyang komento. Ngunit sa panahon ng kampanya sa pagkapangulo sa 2016, sinabi niya na lahat ng mga proyekto sa pabahay para sa mga biktima ng Yolanda ay halos tapos na. Sa ngayon, ang Sangguniang Bayan ng Concepcion, Iloilo ay nagsasagawa pa rin ng masusing pagsisiyasat sa isyu.

No comments:
Post a Comment