Binanatan
ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano ang 60-40 na hatiang inialok ni
Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa joint exploration sa West Philippine
Sea.
Ayon
kay Alejano, hindi lamang ito matatawag na unconstitutional kundi pagtataksil
rin sa bayan.
![]() |
Photo via philstar.com
|
Binigyang
diin ng kongresista na malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na ang
exploration, development, at utilization ng likas na yaman ay dapat solo at
nasa buong kontrol at superbisyon ng Pilipinas.
Nalinaw
rin anya ang desisyon ng arbitral tribunal na walang overlapping entitlements
ang China sa West Philippine Sea.
Sa
katunayan, ang 9-dash line claim anya nito ay deklaradong invalid.
Sabi
ni Alejano, katangahan na ibahagi sa iba ang sariling teritoryo at yaman na
eksklusibong pagmamay-ari ng bansa.
Mas
lalo anyang hindi dapat gawing katuwang ang China na kilalang island-grabber.
![]() |
Photo via smni news channel
|
“Maliwanag ang intensyon ni Duterte –
ibenta at ipamigay ang ating teritoryo. Where is assertion of our rights here?
What I see is treason as the President of this nation and as a Filipino,” ani Alejano.
“The Duterte administration can be
described as an “AMPAW” administration”. Kung sa pagkain, ampaw dahil walang
laman at puro palabas at pangako lamang. Kung sa kulturang Tsino naman, ampaw
dahil naabutan na ng pulang sobre,” dagdag
ng kongresista.
SOURCE:
ABANTE



No comments:
Post a Comment